Monday , December 23 2024

Cedric, Deniece, 6 pa kinasuhan sa pambubugbog kay Vhong (Swak sa serious illegal detention)

012914_FRONT

INIHAIN  na sa Department of Justice  ng  National Bureau of Investigation (NBI) ang patong-patong na kaso laban kay Cedric Lee at pitong iba pa, kaugnay sa sa pambubugbog sa actor/TV host Vhong Navarro, nitong Miyerkoles ng gabi sa isang condo unit sa Taguig City.

Isinampa ang mga kasong serious illegal detention (walang piyansa), serious physical  injuries , grave threat, grave coercion, illegal arrest  at blackmail, laban kina Cedric Lee, Bernice Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz, Ferdinand Guerrero, isang alyas Mike  at dalawang ‘di pa natutukoy ang mga pangalan.

Sa pagsisiyasat ng NBI, nagkaroon ng sabwatan ang mga inaakusahan batay sa mga  ebindensyang hawak ng nasabing ahensiya ng pamahalaan.

Bitbit ng NBI ang sworn statement ng aktor, statement ng mga guwardya at ng pulis na gumawa ng blotter entry, kopya ng blotter mula sa Southern Police District, testimonya ni Rommel dela Cruz, driver ni Vhong , testimonya ng mga kaibgan at  ang footage ng CCTV ng gabing mangyari ang insidente.

SEGURIDAD NI VHONG SAGOT NG DOJ

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima na handa nilang aksyonan ang magiging apela ng kampo ni TV host/actor Ferdinand “Vhong” Navarro na humingi ng security protection kasunod ng pagbabanta ng isang lalaking nais pumasok sa kanilang bahay sa Quezon City kamakailan.

Ayon kay De Lima, hinihintay na lamang ng ahensya ang pormal na hiling ng kampo ni Navarro upang maikonsidera kung kinakailangan  isailalim sa security protection ang kanyang pamilya.

Una rito, dumulog si Atty. Dennis Manalo, abogado ni Navarro kasama ng iba pang counsel ng aktor, sa DoJ upang humingi ng tulong para sa pamilya ng aktor.

Nanawagan din ang kampo ni Vhong na maging ang patas ang imbestigasyon sa kaso.

Nakasentro ang imbestigasyon ng NBI sa insidente ng pambubugbog  kay Navarro at maging ang paratang na attempted rape ng kampo ni Deniece Cornejo.

“Kung mangyayari ulit uulitin ko ulit”
LEE HAHARAPIN ASUNTO NG NBI

Handa si Cedric Lee na harapin ang anomang kasong isinampa sa kanya ni Ferdinand “Vhong” Navarro.

Ito’y matapos ibunyag ng aktor na siya ay bbinubgbog ng grupo ni Lee  sa Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City noong Enero 22.

Inihayag ni Lee, hindi siya tatakbo o lalabas sa bansa dahil sa reklamo laban sa kanya.

“Hindi po ako tatakbo. Kung kailan akong ma-convict, so be it,” ani Lee.

Anim na kaso ang isinampa ni Navarro laban sa kanya at mga kasamahang sangkot sa insidente.

Wala umanong pinagsisisihan ang negosyanteng si Lee sa kanyang ginawa kay Navarro.

“Hindi ko po pinagsisisihan kung mangyari ulit, uulitin ko ulit ‘yan.”

Giit ni Lee, ipinagtanggol lamang niya ang ginawang panggahasa ni Navarro kay Deniece Cornejo.

“Lumalabas na kami pa ang masama.”

SPD UMAMIN SA MALING PROSESO

UMAMIN ang hepe ng Southern Police District (SPD) na may pagkukulang ang mga tauhan sa paghawak sa kaso ng Kapamilya actor-TV host na si Vhong Navarro.

Sa panayam, sinabi ni SPD Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na maituturing na lapses o pagkukulang ang hindi pagpilit ng mga pulis sa celebrity na magpa-medical.

“Doon po sa pangyayaring dapat ipina-medical natin, sa palagay ko meron nga (lapses)… Dapat nag-insist sila, hindi lang ini-offer na dalhin siya sa ospital.”

Sa hiwalay na panayam ng TV Patrol, ikinatwiran ni PO3 Dalmacio Lumiuan ng District Investigation and Detective Management (DIDM) Division, na roon nagpa-blotter si Navarro at kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, mismong ang aktor ang tumanggi.

“Nakita namin [‘yung] itsura ng tao, we exerted effort  to convince him to seek medical treatment. However, katawan niya ‘yun e. Siya nagsabi na, ‘Kaya ko pa naman, Sir’ kaya hindi namin siya mapilit na… dalhin sa ospital.”

Maging si Cornejo anya na nag-akusang ni-rape ni Navarro ay tumangging magpa-medical.

“Sabi ko, ‘Kung ipa-file n’yo ‘yung complaint, kailangan ipa-medical ko kayo lahat kasi ie-endorse ko kayo sa Women’s, sila po ang kukuha ng statement.’’

“Di na po, Sir… ‘di kami magpa-file ng case kay Navarro,’” sabi niya. ‘Gusto ko lang i-put into record itong ginawa niya sa kin.’”

Ipinaubaya na ng Philippine National Police (PNP) kay Villacorte ang pag-imbestiga sa ginawa ng kanyang mga tauhan.

ni leonard basilio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *