Gud day po senor,
Aqu c jhake, nanaginip aqu may tao msama tingin s aqn, tas ay nanginip din aqu n may bampira dw bkit kya gnito panaginip qu, lagi aqu bumbili dyaryu nyu, hntay qu pu sagut nyu senor, tnx pu, don’t post my cp.
To Jhake,
Ang panaginip na nagpapahayag o nagpapakita ng galit ay simbolo ng frustrations at disappointments sa iyong sarili mismo. Marahil ay bunsod ito ng mas pagbibigay o pagpa-pahalaga sa mga negative emotions o kaya ay pagtutuon ng galit mo sa iba. Kailangang tumi-ngin ka within yourself, upang mas malaman mo ang tunay na sitwasyon sa kapaligiran mo at kung ano ang pananaw at tingin sa iyo ng ibang tao. Maaaring ito rin ay bunsod ng mga alalahanin sa sitwasyong ikaw ay gising, kaya lumalabas na ganito sa iyong panaginip. Ang panaginip ay nagsisilbing outlet upang ligtas na mailabas o maihayag ang kinukuyom na mga damdamin, na maihahayag mo ng malaya ang iyong strong and/or negative emotions. Maaaring ito ay bunsod ng pagkuyom sa mga damdamin, anger, at aggression, sa halip na kilalanin ito ng malaya at bukal sa kalooban. Makabubuting ga-wing positibo ang pagharap sa buhay at iwaksi ang mga galit at alalahanin na nararamdaman at naiisip mo, upang makamit ang positive vibes na makatu-tulong sa iyo.
Ang bampira ay nagre-represent ng contrasting images ng civilized nobility at aggression o fero-city. Ito ay maaari rin namang may kaugnayan sa iyong buhay na ang kanyang charm ay maaaring sa bandang huli ay may masamang dulot para sa iyo. Sa kaibuturan ng iyong damdamin, alam mong ang taong ito ay nakasasama para sa iyo, subalit ikaw ay hindi pa rin makaiwas sa kanya. Minsan, ang bungang-tulog hinggil sa bampira ay may kaugna-yan din sa desisyon ukol sa sex at pagkawala ng virginity (para sa mga babae). Alternatively, kapag nakakita ng bampira sa panaginip, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay nakadarama ng pagka-drain physically or emotionally. Ito ay maaaring simboliko rin ng isang tao na sugapa sa droga o kaya, ng may kaugnayan sa isang obsessive relationship.
Señor H.