NAG-DEVELOP ang Japanese lingerie company ng app at bra bilang bahagi ng “True Love Test,” na hindi magbubukas ang hook kung walang “true love.”
Ang nasabing bra ay magbubukas lang kung ang nagsusuot nito ay “in love.” Ang bra ay binuo ni Japanese lingerie maker Ravijour bilang bahagi ng kanilang ika-10 anibersaryo.
Sa video na nagpaliwanag sa nasabing teknolohiya, inihayag na ang tao na “in love” ay nakararanas ng “instant boost in excitement” na hindi katulad ng ibang excitement na nararanasan ng mga tao sa kanilang buhay.
Kapag “in love,” ang adrenal medulla ay naglalabas ng “catecholamine,” na naka-aapekto sa autonomic nerve na nagpapabilis sa pagtibok ng puso. Ang device ay gumagana sa pamamagitan ng pag-detect sa heart rate signal ng babae at ipinadadala ito sa special app via Bluetooth para ma-analyzed. Kapag nagawa na ito, kina-calculate ng app ang “True Love Rate” base sa pagbabago ng heart rate ng babae at kapag umabot ito sa certain value, ang hook ng bra ay awtomatikong magbubukas.
Sa kasalukuyan, ang “True Love Tester” ay hindi ibinibenta, ngunit kung bibili ng 5,000 Yen (around $50) halaga ng Ravijour lingerie, maaaring lumahok sa draw at magkakaroon ng pagkakataon na masubukan ito sa hotel sa iba’t ibang lungsod sa buong Japan.
(www.escapistmagazine.com)