ISUSULONG ng dalawang mambabatas na maparusahan nang mas mabigat na parusa ang mga dayuhan na lumalabag sa batas, katulad ng bitay.
“While there is no reason to question the laws of foreign countries, we must ensure that our countrymen do not suffer the short end of the stick,” giit ni Rep. Rufus Rodriguez at ng kanyang co-author na si Rep. Maximo Rodriguez (Party-list, Abante Mindanao).
Ayon sa dalawa, nais nilang maipasa ang House Bill 1213 o ang tinatawag na “An Act adopting the higher prescribed penalty, including death, of the national law of an alien found guilty of trafficking dangerous drugs and other similar substances, amending for the purpose R.A. No. 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Banggit pa ng dalawang mambabatas, simula nang tanggalin ang death penalty, dumami na ang mga dayuhang nagtayo ng kani-kanilang drug factory kasabay ng bulto-bultong pagtutulak ng shabu sa bansa.
Saad pa ng dalawang mambabatas, life imprisonment lamang ang pinakamataas na parusang ipinapataw sa foreign national kapag na-convict sa kaso, habang sa ibang bansa tulad ng China ay kamatayan ang inihahatol.
ni JETHRO SINOCRUZ