Monday , December 23 2024

So hahataw sa last round

IMPORTANTE ang laro ni hydra GM Wesley So sa final round ng nagaganap na 76th edition ng Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Para makasampa sa top five kailangang manalo ni No. 8 seed So (elo 2719) sa 11th at last round laban kay ranked No. 3 GM Fabiano Caruana (elo 2782) ng Italy.

May total 5.5 points si Pinoy woodpusher matapos makipaghatian ng puntos kay GM Pentala Harikrishna (elo 2706) ng India sa 31 moves ng Ruy Lopez Berlin Wall sa round 10 Sabado ng gabi.

Kasalo ni 20-year old So sa fourth to seventh place sina GMs Harikrishna, Caruana at Leinier Perez Dominguez habang solo sa unahan si world’s No. 2 player at top seed GM Levon Aronian, (elo 2812) ng Armenia bitbit ang 8 pts.

Kinaldag ni Aronian si Dominguez matapos ang 42 sulungan ng Ruy Lopez sa event na may 12-man single round robin.

Nag-aagawan naman sa segundo puwesto sina GMs Anish Giri (elo 2734) ng The Netherlands at Sergey Karjakin (elo 2759) ng Russia hawak ang tig anim na puntos.

Pinili ni So ang opening na Berlin dahil ayon sa kanya ito ang pinakamagandang laro niya sa tournament kapag itim na piyesa ang hawak.

“I would like to apologize for the quick draw, my coach (GM Susan Polgar) has been telling me that I have some problems with my black opening,” saad ni So. “ I played the Berlin because my other opening against e4 was not successful.”

Si Caruana na huling makalalaro ni So sa nasabing event ay napisak ni Arkadij Naiditsch (elo 2718) ng Germany matapos ang 39 moves ng Catalan.

Samantala, ang ibang pairings, makakalaban ni Aronian si GM Loek Van Wely (elo 2672) ng host country habang kikilatisin ni Giri si GM Hikaru Nakamura (elo 2789) ng USA.

Sina Karjakin at Dominguez naman ang magkatapat habang si Naiditsch ay kadikdikan si GM Richard Rapport (elo 2691) ng Hungary.

Ang huling pares ay sina GM Boris Gelfand (elo 2777) ng Israel at Harikrishna. ARABELA PRINCESS DAWA

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *