Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Just Call me Lucky (Part 31)

KAHIT BAGSAK AKO SA 2 SUBJECT PINAG-ENROL PA RIN AKO NINA ERPAT AT ERMAT SA USTE

Huling linggo na ng buwan ng Abril ay wala pa akong nababanggit kina ermat at erpat sa inaasahan nilang pagtanggap ko ng diploma.  “Atoy, anak, kumusta ang pag-aaral?” bungad ni ermat. Hindi ako nakaimik bahagya man. “Kelan ang graduation n’yo?” segunda ni erpat. Napayuko ako. Dinampot ni erpat ang mga class card sa kamay ko. Biglang nawalan ng kulay ang mukha niya sa nakitang mga grades ko.  Dalawa sa mga major subject ko sa Civil Engineering course ang bagsak.  Mariing nagkuyom ng palad si erpat. Napapikit ako. Hinintay ko ang paglagapak niyon sa anumang parte ng a-king katawan. Pero sa ibabaw ng mesa niya idinagok ‘yun nang malakas. Napadilat ako. Bigla naman siyang tumalikod sa akin. At kahit hindi ko aktuwal na nakita, alam kong may luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

Si ermat ang humarap sa akin. Ibinuga nang ibinuga niya ang sama ng loob sa akin. Kung bala ng baril ang lumabas sa bibig niya ay pihong natadtad na ako ng tama sa buong katawan. Pero mas ikinabahala ko ang pagsasawalang-kibo ni erpat. Mas nanduduro ‘yun sa aking konsiyensya. At mas masidhing sakit  ang dulot niyon sa aking dibdib.

Kinaumagahan ay inunahan ko sa pagbangon sa higaan sina ermat at erpat. Nagtimpla ako ng kape. Ipinatong ko ang kapehang mug ni erpat sa ibabaw ng mesang kainan ng aming pamilya. ‘Yun ang lugar na para sa kanya. Isang maliit na papel na kinasusulatan ng maigsing mensahe ang iniwan ko sa tabi ng mug ng pinakulong kapeng barako: “Papa, sorry po at patawad. Magtatrabaho na lang  po ako para makatulong sa inyo ni Mama — Atoy.”

Nang mabasa ‘yun ni erpat ay pasigaw ni-yang tinawag ang pangalan ko. Paglapit ko sa kanya, pinagpunit-punit niya ang sulat sa aking harapan. Matigas ang tinig niya pero naroon ang hinahon: “Kahit magkahirap-hirap kaming mga magulang mo ay  susugalan pa rin namin ang ‘yong pag-aaral… ‘Pag nakatapos  ka ay maligaya na kaming mamamatay ng mama mo.  At ‘yun ang pinakamalaking tulong na magagawa mo sa amin.”

Napahagulgol ako ng iyak na paris ng isang batang paslit. Parang nalulusaw na icedrop ang luhang umaagos  sa aking mga pisngi at mistulang hinipan na plastic balloon ang sipon sa i-long ko.

Proxy

Muli  akong nag-enroll sa Uste nang sumu-nod na pasukan.  Lakip niyon ang pangako kina ermat at erpat na pagbubutihin ko ang pag-aaral. Pinutol ko ang lahat ng bisyo at ‘di na nakipagbarkada. Umuuwi na ako nang  lingguhan sa amin. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …