Thursday , December 19 2024

Cedric Lee, model GF bumaboy bumugbog kay Vhong

012714_FRONT

MATAPOS pagpiyestahan sa kalabang estasyon ang istoryang ‘panggagahasa’ ng isang noontime TV program host sa isang modelo, binasag na ng nasasangkot ang katahimikan at tahasang pinangalanan ang isang negosyante at nobyang modelo na sinabing pamangkin ng isang televison network top brass sa bansa.

Ang  pagbubunyag, ay lumuluhang inilahad ni Ferdinand Navarro a.k.a. Vhong Navarro, isa sa mga main host ng It’s Showtime, ang noontime show ng ABS CBN, sa programang “The Buzz ng Bayan” sa isang taped interview ni Boy Abunda.

Pinangalanan ni Navarro ang businessman at dredging and reclamation contractor na si Cedric Lee na siyang promotor ng pambubugbog at pambababoy umano sa kanya nang puntahan niya ang modelong si Deniece Milinette Cornejo, sa condominium nito sa Bonifacio Global City sa The Fort nitong Enero 22.

Si Cornejo ay sinabing kasalukuyang nobya ni Lee, na may anak sa isang singer/actress na nasa Kapamilya network din.

Ang babaeng modelo ay apo umano ni Rod Cornejo, ang marketing executive ng television network na GMA 7, ang naglabas ng istoryang sinabing ‘panggagahasa’ ni Navarro.

Ayon kay Navarro, dalawang beses siyang nagpunta sa condominium ni Cornejo sa BGC. Una ay noong Enero 17 dakong 10:54 ng gabi.

“Nagpunta po ako doon na may dalang white wine dahil ‘yon lang daw po ang puwede niyang inumin,” aniya.

“May nangyari po pero walang sexual intercourse,” ani Vhong.

Pagkatapos ay umuwi na siya at habang nasa sasakyan ay nakatanggap umano ng text message mula kay Cornejo na “Bad boy ka.”

Inisip niyang nabitin ang babae kaya nag-text back siya ng “Bawi ako next time.”

Bumalik si Navarro kay Cornejo nitong Enero 22 dakong 10:45 ng gabi at nagdala ng pagkain.

Ilang minuto ang nakalipas, dalawang lalaki na kinilala niya ang isa na si “Cedric Lee” ang pumasok at inumpisahan siyang bugbugin.

“Binaboy nila ako, pinaratangan at tinakot na papatayin ang pamilya ko at pati na ang mga anak ko.”

Tinangka rin umano ng grupo ni Lee na takpan ang bibig ni Navarro pero tumanggi siya at nangakong hindi mag-i-ingay.

Sa pagkakataong ito, ibinaba umano nina Lee ang kanyang pantaloon saka kinuhanan ng video ang binaboy na “private part.”

“Pinaupo rin nila ako at kinuhanan ng video na nagsasabing, “Ako si Vhong Navarro at ni-rape ko ang kaibigan ko,” para pang-blackmail nila sa akin,” diin ni Navarro.

Kasunod nito, sinabihan siya na bayaran si        Cornejo ng P200 libo.

“Dahil daw po ni-rape ko si Deniece, na hindi ko naman ginawa kaya pinagbabayad nila ako. From  P200  thousand  umabot ng P2 million ang hinihingi nila sa akin na ibibigay ko raw dapat kinabukasan (January 24),” paliwanag ni Vhong.

Paulit-ulit na sinabi ni Navarro na siya ay natatakot dahil sa mga pagbabanta sa kanya at sa pamilya.

“Hindi po ako nagda-drug, hindi po ako rapist, may takot po ako sa Diyos,” umiiyak na pahayag ni Vhong kay Abunda.

Sa Lee ay kilala sa sirkulo ng mga negosyante bilang Chairman at President ng Waste Management Inc.; Board Chairman at President ng Izumo Contractors Inc.; Chairman at President ng Phil-Asia Dredging and Reclamation Corp.

Ang Izumo ay ang construction company na itinatag noong 1998 na nakakuha ng major infrastructure projects sa gobyerno. Siya rin ang Chairman at President ng Phil-Asia Dredging and Reclamation Corp., may pinakamalaking dredging operation sa Cagayan River.

Chairman at President siya ng Waste Management Inc., na namahala sa landfill ng lalawigan ng Cebu nag-convert nito sa waste-to-energy 20MW.

Sa tweet ni Karen Davila, isa sa news anchors ng Bandila, ng ABS-CBN, dapat umanong isyuhan ng warrant of arrest sina Lee, at iba pang kasama.

“A warrant of arrest should be issued against these men who mauled Vhong Navarro now,” ani Karen.

Habang nanatili umano ang pag-ibig ni Joselle Chua kay Vhong dahil sa kanyang katapatan.“I believe in him. I still love him for being honest. I am hoping for your fastest recovery and justice for you,” ani Chua sa Tweet.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *