Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong Navarro kritikal pa rin (Ulo ooperahan,‘Gang of Tisoys’ wanted)

012614_FRONT

Isasailalim sa isang maselang operasyon si actor-host Vhong Navarro, nasa kaslaukuyang nasa kritikal na kalagayan, dahil sa mga pinsala sa kanyang ulo at mukha matapos bugbugin ng grupo ng mga lalaki sa isang condominium sa The Fort, Taguig City, Miyerkoles ng gabi.

Sa ipinadalang pahayag ng doktor ni Navarro sa ABS-CBN News, kailangang operahan ang It’s Showtime host matapos lumabas sa kanilang mga pagsusuri na nagkaroon ng mga contusion hematoma, o pamamaga at naipong dugo sa paligid ng kanyang mata, baba at noo.

Basag din umano ang ilong ng pinasikat na dancer/komedyante ni direk Chito Roño.

“Vhong had contusion hematoma around his eyes, forehead, chin and some parts of his extremities. He has broken bones in his nose which will require surgery. We will continue his medications as of the moment and monitor for recovery.”

Patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan ni Navarro na sinabing grabe ang pinsala sa kanyang mukha at bungo.

Samantala, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang itinuturong ‘Gang of Tisoys’ na sinabing responsable sa pambubugbog kay Navarro.

Sa nakalap ng HATAW, sinabi ng isang source na posibleng may lead na ang nag-iimbestiga sa kaso dahil mayroon umanong natanggap na ‘impormasyon.’

Ilang source ang nagsabi na nakikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek pero wala pang pahayag ang ahensiya ukol dito.

“Kung totoo nga ang balita na ‘malalaking tao’ ‘yan, baka kay Secretary  (Leila) De Lima kumukontak ‘yang mga ‘yan,” anang isang source sa HATAW.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …