Monday , December 23 2024

Davidson Bangayan konektado sa rice smuggling — Senado

SA kabila ng pagtanggi na siya ay si David Tan, bilang rice smuggling king, na-establish ng Senado ang koneksyon ng negosyanteng si Davidson Bangayan sa mga organisasyon na sangkot sa rice smuggling sa bansa.

Ayon kay Senate committee on agriculture and food chairperson Sen. Cynthia Villar, hindi na mahalaga para sa kanyang komite na matukoy kung sino si David Tan dahil ang taong pinaghihinalaan ng identity na si Davidson Bangayan ay positibo nang may ugnayan sa talamak na ilegal na pag-angkat ng bigas.

Sinabi ng senador, ang modus ng grupo ni Bangayan ay gumamit at mag-finance ng ibang kooperatiba para mag-import ng bigas ngunit sa oras na mahuli ay iiwas sila sa kaso at ang madidiin ay ang organisasyon na minsan ang mga miyembro ay mga magsasaka.

Sa Senate inquiry, todo tanggi si Bangayan na siya ang kontrobersyal na rice smuggling king na si David Tan kahit pa nakaharap niya ang dumidiin sa kanya na si Jesus Arranza, presidente ng Federation of Philippine Industries, na may bitbit na mga ebidensya.

(CYNTHIA MARTIN)

MAGSASAKANG NAKULONG SA SMUGGLING TUTULUNGAN

HANDA ang gobyerno na tulungan ang mga magsasakang nagamit at nakulong dahil sa smuggling operations ni Davidson Bangayan o David Tan.

Magugunitang lumabas kamakalawa sa Senate hearing na ilang magsasaka ang nakasuhan at nakulong dahil nagamit ang kooperatiba sa pag-angkat ni David Tan ng mga bigas.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sisiyasatin ng gobyerno ang nasabing isyu dahil hindi makatwiran ang pagkakagamit sa mga magsasaka at sila pa ang nadidiin.

Ayon kay Coloma, wala silang sasantohin sa sino mang madadawit sa smuggling kahit pa taga-Malacañang.

Kailangan lamang aniya ng konkretong batayan para mapanagot ang sangkot na opisyal.

Una nang sinabi ni Federation of Philippine Industries (FPI) president Jess Aranza na hindi maglalakas ng loob si David Tan kung walang protector na mataas na opisyal.

(BETH JULIAN)

PADRINO MANANAGOT

MANANAGOT ang sino mang padrino sa pamahalaan sa rice smuggling activities ni Davidson Bangayan o David Tan, kahit siya pa’y taga-Palasyo.

Ito ang reaksyon ni Comunications Secretary Herminio Coloma Jr. sa ulat na mula sa Malacañang ang protector ni Bangayan kaya malakas ang loob na mamayagpag sa ilegal na aktibidad.

Nais din aniya ng Palasyo na ipaimbestiga ang paggamit sa mga kooperatiba ng mga magsasaka para makapagpuslit ng bigas sa bansa si Bangayan ngunit ang mga magbubukid ang nakasuhan at nakulong.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *