Monday , December 23 2024

Sikhayan Festival ng Sta.Rosa, ipinagmamalaki ni Mayor Arlene Arcillas

SA loob ng 15 taon, regular na ipinagdiriwang ng siyudad ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng  Laguna at ng mga mamamayan nito ang kanilang SIKHAYAN FESTIVAL. Isang street dancing competition na may hangaring ipakilala ang lungsod ng Sta. Rosa hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo rin.

Sa taong ito, ginanap ang pormal na pagbubukas ng  SIKHAYAN Festival nitong nagdaang Enero 18 kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 taon ng pagiging lungsod ng Sta. Rosa.

Malinaw at matamis ang naging mensahe ni Mayor Arlene Arcillas sa mamamayan ng kanyang lungsod sa pagbubukas ng Sikhayan Festival na dinaluhan din ng mga piling panauhin sa pangunguna ni Makati 2nd district Congresswoman Mar-Len Abigail Binay Campos na kumatawan sa kanyang amang si Bise Presidente Jejomar Binay at Ms. Cecil Aranto na kumatawan naman kay Department of Tourism (DOT) Region IV-A Director Rebecca Labit.

Nasa nasabing okasyon din at sumama pa sa parada ang actor-turned politician na si Congressman Dan Fernandez ng 1st district ng Laguna.

Kinilala at pinasalamatan ni Mayor Arlene ang bawat mamamayan ng Sta. Rosa sa pagiging masinop at maagap kung kaya umunlad at patuloy na umaasenso ang kanilang siyudad.

Naging katuwang ni Mayor Arcillas ang kanyang constituents sa pag-ugit at paggabay sa lungsod tungo sa kaunlaran.

Ang Sikhayan Festival ngayon taon ay ibinase sa iba’t ibang dance street festival gaya ng Dinagyang Festival ng Iloilo, Panagbenga Festival ng Baguio, Bailes de Luches Festival ng Negros Occidental, Kadayawan Festival ng Davao City, Sinulog Festival ng Cebu, Masskara Festival ng Bacolod, Pahiyas Festival ng Lucban at Flomolok Festival ng South Cotabato.

Panabay ng pagdiriwang na ito ngayon taon ay ang pagbibigay-diin sa hangarin ni Mayor Arlene na mapagkalooban ng ibayong serbisyo ang mamamayan ngSta. Rosa at maipagpatuloy ang nasimulang pagtahak sa landas ng kaunlaran. “Angat ang Galing at Angat ang Ganda ng Sta. Rosa!”

Serbisyong MAKATAO, lungsod na MAKABAGO ang hatid ni Mayor Arcillas para sa mga taga-Sta.Rosa.

Sinabi ng butihing alkalde na nag-upgrade sila ng mga batas o ordinansa na naglalayong isabay sa mabilis na takbo ng pamumuhay tungo sa makabagong mundo.

Kaya nga number 1 ngayon ang siyudad ng Sta. Rosa sa mga lungsod hindi lamang sa Luzon kundi sa buong Pilipinas in terms of quality ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Tahimik at maayos din ang peace and order kung kaya’t dinarayo ng maraming lokal at banyagang investors.

Saludo po kami sa inyo Madam Arlene Arcillas, the hardworking lady mayor of Sta. Rosa. May your tribe increase ma’am!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “Target On Air’ Monday/Friday 2-3 pm, mag-txt sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *