Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hog’s Breath target ang Q’finals berth

TULUYANG pagbulsa sa quarterfinals berth ang target ng Hog’s Breath Cafe sa sagupaan nila ng Blackwater Sports sa PBA D-League Aspirants Cup mamayang 2 pm sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay magtutunggali ang Cagayan Valley at Cebuana Lhuillier.

Pinatid ng Hog’s Breath Cafe ang three-game losing skid nito nang talunin ng Razorbacks ang National University/Banco de oro, 87-80 para sa 8-3 record.

Sa kabilang dako, ang Blackwater Sports ay ginantihan ng defending champion NLEX Road Warriors, 103-86 noong Huwebes at nalaglag sa ikapitong puwesto sa record na 6-4.

Kung makakabangon sila  sa kabiguang iyon ay makakatabla sila ng Cafe France sa ikaanim na puwesto at mananatiling buhay ang kanilang tsansang pumasok sa quarterfinals. Didikit din sila sa Hog’s Breath Cafe at ubra pang puntiryahin nila ang ikaapat na puwesto sa pagtatapos ng 13-game elims.

Ang Hod’s Breath Cafe na hawak ni coach Caloy Garcia ay pinamumunuan ng mga Letran Knights na sina Kevin Racal, Jonathan  Belorio, at Ford Ruaya kasama nina Philip Paniamogan at Paul Sanga.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …