Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AXN, Fox ‘illegal’ sa local TV (Cable industry busisiin)

012014_FRONT

NAGHAIN ng resolusyon si Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa Mababang Kapulungan na naglalayong “paimbestigahan ang kalagayan ng industriya ng cable television o CATV sa Filipinas kabilang ang mga operator at programming content provider nito.”

Bilang tugon sa impormasyong ang mga banyagang korporasyon gaya ng AXN Network Philippines Inc., at Fox International Channels Philippines Corporation, ay ilegal na nagpapatakbo ng mga negosyong may kinalaman sa mass media at advertising sa pamamagitan ng CATV system sa bansa, hiningi ni Ridon ang pagpapatigil sa “pakikisawsaw ng banyagang pagmamay-ari sa sa mga industrying nationalized at protected.”

“Ang direkta at hindi nararapat na kompetisyon sa mga legal at korporasyong lokal na kabilang sa mga katulad na industriya ay nagbibigay panganib sa patuloy na pag-usbong ng mga panloob na industryia na pinoprotektahan ng Konstitusyon, kabilang ang mga libo-libong nagtatrabaho rito,” ayon sa mambabatas.

Ayon sa representante, “Nililimitahan ng Konstitusyon ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media sa mga Filipino, kabilang ang mga korporasyon, kooperatibo, asosasyon, na nasa buong pagmamay-ari at pamamahala nila.”

Ayon sa mga dokumentong nakalap ng Securities and Exchange Commission (SEC) 99.99 porsyento ng mga kompanyang Fox at AXN ay pagmamay-ari ng mga banyaga. Kapwa nagpapatakbo rin ng mga negosyong may kinalaman sa mass media sa pamamagitan ng pagbibigay ng program content, at iba pang mga aktibidad, sa mga CATV operator sa buong bansa.

“Sa ilalim ng kanilang kasalukuyang estruktura ng pagmamay-ari, ang mga nasabing korporasyong ay hindi dapat pinapayagang makisawsaw sa negosyo ng mass media at hindi dapat nakapagbibigay ng mass media content sa mga CATV operator,” paliwanag ni Ridon.

Bukod rito, ang dalawang kompanya ay nagnenegosyo rin ng may kinalaman sa advertising sa pamamagitan ng pagpasok sa mga kasunduang sponsorship at advertising sa kanilang mga kliyente.

“Ang pagpasaok sa mga kasunduan o kontratang may kinalaman sa sponsorship at advertising ay maliwanag na pagpasok sa advertising, kagaya rin ng pagsasahimpapawid ng mga patalastas sa pamamagitan ng mga programa nila sa CATV,” ayon sa mambabatas.

Ang Foreign Investments Act Negative List ay nagsasaad na ang mass media industry ay hindi maaaring magkaroon ng foreign equity at ang advertising industry naman ay maaaring magkaroon lamang ng foreign equity na hindi hihigit sa 30 porsyento – sa parehong pagkakataon, ay lumabag ang mga naturang kompanya, ayon kay Ridon.

“Ang industriyang CATV ay kabilang sa industriya ng mass media, partikular sa komersyal mass media, ayon sa Executive Order No. 205, series of 1987, ang batayang batas sa pangkabuuang sistema ng CATV sa bansa,” aniya.

“Ang kabiguan ng pamahalaang maregula ang mga aktibidad ng mga banyagang korporasyon ay nagbigay sa kanila ng pagkakataong makipagkompetensya sa mga lokal na negosyo sa larangan ng mass media at advertising, na dapat ay pinoprotektahan ng Konstitusyon at iba pang mga batas ng bansa.”

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …