Friday , November 15 2024

28,000 sako ng fertilizer nilamon ng dagat (Cargo vessel lumubog)

BUNSOD ng malalakas na alon na dulot ng Bagyong Agaton, bumangga ang isang cargo vessel sa isa pang barko na naging sanhi sa paglubog kahapon ng madaling sa pagitan ng karagatan ng Iloilo at Guimaras.

Ayon sa report, ligtas na na-rescue ang nasa 29 crew ng nasabing cargo vessel, ang MV Sportivo.

Nabatid na nakatakda sanang umalis dakong umaga ang nasabing cargo vessel patungong Palawan para i-deliver ang karga nitong 28,000 sako ng fertilizer.

Agad kumilos ang mga awtoridad para maiwasan ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barko.

Samantala, sinabi ng kapitan ng barko na si Nemesio Igona ng Cebu City, natanggal ang kanilang angkla kaya’t natangay nang malakas na hangin at alon ang kanilang barko at bumangga sa isa pang barko.

Nabutas aniya ang harapang bahagi ng barko at mabilis na pumasok ang tubig at lumubog agad ito makalipas ang 20 minuto. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *