HINAMON ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas para maisakatuparan ang isinusulong na pagsuspinde ng Value Added Tax (VAT) sa singil sa koryente.
Ayon kay BIR Commission Kim Henares, hindi pwedeng executive order para suspendihin ang VAT sa koryente kundi kailangan amyendahan ang umiiral na batas.
Aniya kahit pa suspensyon lamang ang mungkahi, hindi ito maaaring gawin ng BIR dahil nakasaad sa batas ang pagkolekta ng VAT sa koryente.
Aminado ang BIR na malaking kawalan sa pamahalaan ang VAT sa koryente sakaling masuspende ito dahil nasa P30 bilyon ang kinikita nito bawat taon.
Nabatid na maraming mga senador ang nagsusulong ng suspensyon ng VAT sa koryente sa harap ng mataas na singil nito dahil sa nagkaaberyang power plants. (HNT)