Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinorture na dating Marine Sergeant nagpasaklolo sa CHR…

NAGPAPASAKLOLO na ang isang dating Marine Sergeant sa Commission on Human Rights (CHR) makaraan ang aniya’y pangto-torture sa kanya ng grupo ng mga lalaki sa pa-ngunguna ng isang kapitan ng barangay sa Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga.

Hiniling ni Ex-Marine sergeant Larry Sabado, empleyado ng Arsenal Security Agency, kay CHR commissioner Loretta Ann Rosales na imbestigahan ang kaso ng pagdukot sa kanya at pag-torture ng mga miyembro ng Aniban ng Nagkakaisang Magsasaka ng Hacienda Dolores sa pangunguna ni Barangay Chairman Antonio Tolentino.

Si Sabado ay nagpapagaling pa sa isang pagamutan makaraanmakaranas ng pambubugbog, pamamalo ng baril, at iba pang karahasan habang nasa kamay ng mga miyembro ng Aniban at kaya lang nakatakas ay nang magpanggap siyang patay.

“I overheard them while discussing outside where they will bury me. While they were plotting my summary execution my survival instincts led me to struggle to stand up and crawled towards the window and slowly make my escape unnoticed,”  aniyo.

Ang Aniban ay grupo ng 100 settler-families na nakatira sa LLL Holdings Inc. at kaalyado ng Alyansa ng mga Magsasaka ng Gitang Luzon (AMGL) sa pangu-nguna ni Joseph Canlas.

Noong Enero 14, sinalakay ng mga miyembro ng Aniban na armado ng M14 at M16 rifles, shotguns, pistols at bolo ang outpost ng security agency sa Sitio Ba-lukbok at nagkapalitan ng putok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …