Saturday , November 23 2024

Kargador todas sa video karera operator (Hindi pumayag sa jumper)

011814_FRONT
ISANG  50-anyos kargador ang pinatay sa loob ng kanyang bahay, ng sinabing tropa ng operator ng video karera sa lugar, matapos tumangging magpakabit ng koryente sa Tondo, Maynila iniulat kahapon.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio ang biktimang kinilalang si Alfredo Mayco, ng Purok 3, Isla Puting Bato, Tondo, sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa ulat ni SPO1 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:30 ng gabi, natutulog ang biktima, nang pasukin sa loob ng bahay saka pinagbabaril  ng mga suspek na kinilalang sina alyas Kulit, alyas Ritchie, alyas Ontoy, pawang residente sa Pier 2, Purok 3.

Ang biktima ay may tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan, isa sa kaliwang hita at kanang braso, kaliwang tenga at noo.

Ayon kay Vallejo, away sa jumper ng koryente ang nakikitang motibo sa pagpatay,  dahil  dalawang araw ang nakaraan, nakipagtalo ang biktima kay Richie, dahil hindi pumayag si Mayco na makikabit ang isa sa mga suspek ng koryente para  sa  kanilang ino-operate na video karera.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspek sa nasabing insidente.

nina L. BASILIO/Jason Buan

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *