Thursday , January 9 2025

Call girl inayawan lolo natagpuang patay sa motel

ISANG senior citizen ang natagpuang patay sa banyo ng isang motel matapos tumangging makipagtalik sa isang call girl sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Danilo Velasquez, 60, may-asawa, nakatira sa 30 Visayas Ave., Galas, Quezon City.

Sa ulat ni PO3 Ri-chard L. Limuco ng Manila Police District Homicide Section, dakong 11:30 ng umaga nang mag-check in sa Room 108 ng Dragon Hotel and Lodging House ang biktima, kasama ang isang call girl na alyas Beth.

Matapos ang isang oras na pamamalagi ng biktima sa hotel, kinatok ni Marlon Oprecio, 29, binata, roomboy at stay-in sa Dragon Hotel, si Velasquez pero hindi sumagot ang biktima.

Nang buksan ang pinto ng hotel, tumambad kay Oprecio ang biktimang nakaupo sa lapag ng banyo at wala nang buhay.

Agad nag-report ang room boy sa among si Ben Ong na dagliang nag-report kay Brgy. 309, Zone 30 chair William Lising at tumawag sa estayon ng pulisya.

Sa ulat nina POs2 David Gonzales at Zaldy Francisco, nakitang walang injury ang biktima.

Dinala ang bangkay ni Velasquez sa Nathan Funeral Parlor para sa awtopsiya. (JASON BUAN)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *