Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BKs tiyak na mapapakayog

Sa araw na ito ay magkakalaban sa pista ng SLLP ang mga kababaihang kabayo na may edad na tatlong taong gulang at para sa mga kalalakihan ay bukas naman sila magkakatunggali.

Ang dalawang tampok na pakarerang iyan ay preparasyon na rin para sa magaganap na “Triple Crown Championship” (TCC) para sa taong ito na uumpisahan sa buwan ng Mayo.

Ang mga nasa grupo ng kababaihan ngayon ay sina Bacolod Princess, Bahay Toro, Kasilawan, Love Na Love, Skyway, That Is Mine, The Lady Wins, Tiger Queen at Up And Away.

Base sa rekord karamihan sa kanila ay may angking tulin sa arangkadahan, kaya asahan na makakapanood tayo ng mainitang bakbakan sa unahan lalo na pagdating sa gitna. Sa rektahan ay pahusayan na ang mga hinete sa pag-ayuda at malamang na pati tayong mga BKs ay tiyak na mapapakayog din hanggang makarating sa meta. Ikanga ay bawal ang pumikit sa ganda ng laban. Okidoks.

Ang magkakasagupa naman bukas sa mga kalalakihan ay sina Castle Cat, Fairy Star, King Bull, Low Profile at Surplus King. Sa aking pag-analisa ay hindi malalayo ang kanilang magiging tagpo sa mangyayaring laban sa kababaihan, kaya may the best horse win at goodluck sa mga koneksiyon.

Fred magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …