Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-anyos totoy patay sa truck

HALOS mawalan ng ulirat ang ina ng 3-anyos  totoy, namatay matapos masagasaan ng mini-dump truck, habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay, sa Mandaluyong City.

Kinilala ni SP01 Virgilio Bismonte, may hawak ng kaso, ang biktimang si Denver Medina, ng #248 Sto. Rosario St., Brgy. Plainview, ng lungsod.

Agad naaresto ng mga awtoridad ang drayber na si Arnel Roxas, 34-anyos, ng Blk-37 Welfareville Compound.

Sa imbestigasyon, dakong 9:45 ng umaga, mag-isang naglalaro ang bata sa harap ng kanilang bahay  nang masagasaan ng mini-dump truck Isuzu model-1994, may plakang RKC-118.

Agad dinala ng mga magulang ang bata sa Mandaluyong City Medical Center pero ideneklara itong dead on arrival ng mga doctor.

Nakapiit ngayon ang suspek sa Mandaluyong PNP detention cell at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …