Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

21 bebot nareskyu sa red light district (Sa Angeles City)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Umabot sa 21 kababaihan, kabilang ang 11 menor de edad, ang nasagip ng mga pulis sa pagsalakay sa dalawang bar sa red light district sa Angeles City na sinasabing kontrolado ng mga dayuhan.

Ayon kay Central luzon Police Director, Chief Supt Raul Petra Santa, nakipag-ugnayan ang grupo ng International Justice Missionaries, ang NGO na tumututok sa isyu ng human trafficking sa bansa, at tinalakay ang mga panggabing aliwan sa red light district ng Balibago, at natukoy ang Lovely Paradise Resto Bar at Aby Lyn Wine Bar, sinasabing front ng prostitusyon.

Bunsod nito, ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang “mamasan” ng Aby Lyn Wine bar na sina Cristine Tanola alyas Tintin at Malou Palconit alyas Malou, kapwa ng nasabing lugar.

Nasakote rin sina Helen Delos Reyes at Josie Mondejar, mga mamasan ng Lovely Paradise Resto Bar.

Timbog rin sa raid ang German national na si Steven Gunter Kohler na hinihinalang utak sa prostitusyon sa naturang bar sa lungsod.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …