Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trolley driver patay utol sugatan sa resbak

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang kapatid makaraang saksakin ng kapwa nila trolley driver kamakalawa ng hapon sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang namatay na si Rolando Santos Jr., 27, habang sugatan si Robertson, 29, kapwa residente ng #2611 K, Jesus St., Pandacan, nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital.

Mabilis na nakatakas ang suspek na si Angelito Arquero, alyas Dragon, 38, residente rin sa #2611 K, Jesus St., Pandacan.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 7:50 a.m. nang maganap ang insidente sa may riles ng tren habang namamasada ng trolley ang tatlo sa Tower Bless, Pandacan.

Napag-alaman dati nang may alitan ang suspek at si Rolando. Nang magkita ang dalawa ay hinabol ng saksak ng suspek ang biktima ngunit nakatakbo si Rolando.

Gayunman, nang balikan ng biktima ang kanyang trolley ay inabangan siya ng suspek at pinagsasaksak.

Nagtangkang umawat ang kapatid ng biktima na si Robertson ngunit maging siya ay inundayan din ng saksak ng suspek.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …