Friday , November 15 2024

‘Sumpa’ ng My Way tinapos ni Osang

011614_FRONTTAGUMPAY hindi kamatayan ang inihatid ng awiting “My Way” ni Frank Sinatra  sa Pinay caregiver na lumahok sa “The X-Factor Israel” na si Rose Fontanes alyas Osang kahapon ng umaga.

Ang kantang “My Way” na lagi nang naikakabit sa kamalasan at kamatayan sa mga videoke bar ay ginamit na piyesa ni Osang sa championship ng “The X-Factor Israel.”

Ikinagalak ng Palasyo ang pagwawagi ng isang Filipina caregiver bilang  kauna – unahang kampeon sa reality TV show “The X Factor Israel” kahapon.

“Binabati namin si Rose Fostanes sa kanyang pagiging kampeon sa X Factor Israel singing competition. Panibagong pagpapatunay sa kahusayan ng Filipino sa larangan ng sining at awitin. Dapat nating ikarangal at ipagbunyi ang maningning na talento ng Filipino sa buong mundo,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Si Fostanes, 47-anyos, ay apat na taon nagtatabaho sa Israel bilang caregiver at 20 taon nang overseas Filipino worker sa Middle East.

Ang paboritong kantahin ng mga Filipino sa karaoke na “My Way” ni Frank Sinatra, ang awit na nagdala kay Fostanes sa tagumpay.

Sa kanyang pagwawagi sa pamamagitan ng nasabing aiwitin, marami ang naniniwala na winalis ni Osang ang sumpa sa kantang “My Way.”

ni HATAW News Desk

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *