INIANUNSYO ang bagong app na kayang mag-park ng mga sasakyan ng mga driver na nahihirapan sa masisikip na lugar.
Ang Driverless Car Experience app ay isinapubliko ng Bosch sa Consumer Electronics Show sa Las Vegas, ayon sa ulat ng Metro.
Kailangan lamang i-swipe ng driver ang virtual image sa kanilang smartphone at ang app na ang bahala.
Ang sensors ng kotse ang mag-i-scan sa available space at magkokontrol kung maaaring i-reverse sa bay o i-parallel park.
Sinabi ni Bosch engineering manager Fred Sejalon: “The driver can stay in the vehicle or step out and, using their smartphone, let the vehicle do the rest.
“This is good news for anybody who doesn’t feel comfor-table parallel parking.”
Ang nasabing app ay magiging available na sa susu-nod na taon at maaari ring gamitin para matiyak na mananatili ang driver sa correct lane sa motorways.
(ORANGE QUIRKY NEWS)