DAIG ANG AGIMAT NI ANDOY NG ITAK NI KULAS NANG GUMULONG SA LUPA ANG KANYANG ULO
ANDOY KABAL : Nasa akin ang agimat ng kabal kaya ‘di ako tatablan ng kahit anong klase ng armas.
KULAS KIDLAT : Nasa itak ko naman ang bertud ng kidlat kaya walang uubra sa akin.
ANDOY KABAL : Baka mapahiya ka, pare.
KULAS KIDLAT : Magkakasubukan tayo, pare.
ANDOY KABAL : Sige, pare, reydi ako… (at isinangkalan ang leeg sa malaking tipak ng bato).
KULAS KIDLAT : Matatagpas ang ulo mo, pare.
ANDOY KABAL : Kung tatalab ‘yan sa akin…
Sinubukan ang nagpapasubok. Tsak! Gumulong sa lupa ang sira-ulo, este naputol na ulo ni Andoy Kabal.
Ang kongklusyon ng ulyanin nang mga event coordinator ng “Tagisan ng Agimat” ay mas malakas daw ang bertud ng agimat na hawak ni Kulas Kidlat kaysa kay Andoy Kabal. Pero dinig ko’y maraming taon ang bubunuin ni Kidlat sa piitan sa kasong homicide makaraang mapaglamayan ang bangkay ni Kabal. Tsk, tsk!
Si Daddy
Pareho kaming freshman ni Biboy sa Uste nang maging magkaklase sa isang block section. Matalino siya sa aming klase. A.B. Political Science ang kurso niya. Ambisyon niyang maging isang de-kampanilyang abogado balang-araw. Magaling siya sa mga diskusyon. Pati sa mga prof namin ay hindi nangingiming makipagbalitaktakan.
“Math is very useful in our daily life. Do you agree, class?”ang introduksyon ng lady prof namin sa Math 101. “Yes, Ma’m” ang sagot na-ming lahat. Nagtaas ng kamay si Biboy. Pinaya-gan siya ni Ma’m na makapagsalita. “No doubt about that, Ma’m…” aniya sa pagtayo. “Pero will you agree with me kung sasabihin kong maging sa pag-ibig ay nariyan din ang Math… substraction, addition, multiplication at division?”
Nagkapileges ang noo ni Ma’m sa saglit na pag-iisip. “Aber nga, paano?” anito sa pag-aa-yos ng makapal na salamin sa mata. “Simple lang po, Ma’m…” ngiti ni Biboy. “Subtraction ‘pag nag-split na ang magsyota, addition ‘pag mahigit sa isa o dalawa ang karelasyon, multiplication ‘pag nagkaroon na ng anak o mga anak, division ‘pag nakialam na ang mga in-laws sa magkarelasyon.” Napalakas ang tawa ko. Bahagyang namula ang mukha ni Ma’m, tumapat sa desk ko at saka ipinatungkol sa aming dalawa ni Biboy ang isang quotation: “Any fool can make a rule, and any fool will mind it.” (Sundan)
Rey Atalia