INILUNSAD ng isang kompanya ang world’s first speaker na maaaring matulog sa loob.
Ang AudioOrb ay clear spherical bubble na maaari kang matulog nang parang nasa loob ng cocoon. Ito ay mayroong 18 speakers na maaaring patugtugin ang paborito mong mga kanta.
Sa kolaborasyon ng Swedish designer firms ST at Pjadad, ang AudioOrb ay ibinase sa ‘Cocoon 1’ perso-nal space at binuo ng magkaparehong team.
AngAudioOrb ay may Tempur pillows na maaaring mag-adjust sa sukat ng katawan at nagdudulot ng sensas-yon na parang lumulutang.
Ayon kay Spokesman Anton Wigbrand: “Spherical spaces almost completely block the noise from the outside world. This notion was our starting point when we developed the AudioOrb – the first spherical speaker you can actually enter.
“The 18 speakers mounted inside gives you a rich and full audio spectrum. Inside the Orb the outside world fades away, ideal for relaxation.”
Dalawang AudioOrbs pa lamang ang available for sale sa halagang $15,000 bawat isa sa funding website http://www.indiegogo.com/projects/audioorbs. (ORANGE QUIRKY NEWS)