Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagbabaga sa tamang panahon!

Iyan ang Rain or Shine Elasto Painters na siyang pinakamainit na koponan sa kasalukuyang PLDT myDSL PBAPhilippine Cup.

Nakapagposte ng limang sunud-sunod na panalo ang koponan ni coach Joseller “Yeng” Guiao uang umakyat sa ikalawang puwesto kasama ng Petron Blaze na mayroong 9-3 karta sa likod ng nangungunang Barangay Ginebra San Miguel.

Nagsimula ang winning streak ng Elasto Painters nang patirin nila ang winning streak naman ng Petron Blaze, 99-95 noong Disyembre 21.

Matapos iyon ay isinunod nila ang  Barako Bull (99-95), SanMig Coffee (101-77), Globalport (98-87) at defending champion Talk N Text (90-88).

Karamihan sa mga panalong ito ay naitala nila matapos ang dikdikang endgame. Kaya naman natutuwa si Guiao sa ikinikilos ng kanyang mga bata.

Mas masarap kasi yung nananalo ka sa dikdikang paraan kaysa sa tambakan. Sa ganitong sitwasyon ay lumalabas ang character ng koponan.

“We’re winning in close games because of our mental toughness,” ani Guiao.

Ibig sabihin ay naihahanda na niya ang Elasto Painters para sa pitpitang dulong elimination round. Kung magtuluy-tuloy ang gilas ng Elasto Painters, puwede nilang makamit ang isa sa dalawang slots na magbibigay sa kanila ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinal round.

Bagama’t walang garantiya iyon na makakadiretso sila sa semifinals, aba’y malaking bentahe na rin iyon. Isang panalo na lang ang kakailangan nila upang umusad.

At siyempre, atat ang Elasto Painters na makabalik sa Finals ng Philippine Cup.

Finalist kasi sila noong nakaraang season kung  saan nakalaban nila sa best-of-seven series ang Talk N Text. Kaso mo’y winalis sila ng Tropang Texters, 4-0. At masakit talaga iyon.

Kaya naman gustung-gusto nilang makabawi.

Well, nasa tamang direksyon na sila. Nag-iinit na sila. Kailangan na lang na patuloy silang magbaga at huwag ginawin sa dulo.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …