Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 kg Shabu itinuro sa SOCO

011314_FRONT

INILINAW ng Quezon City Police District (QCPC) na wala sa kanilang pag-iingat ang sinabing 12 kilo ng shabu na narekober sa magsyotang natagpuang patay sa isang kuwarto sa isang apartelle sa Cubao nitong nakarang Biyernes sa nasabing lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang reported na shabu na nakalagay sa green aluminium foil pouch ng Chinese brand tea ay nasa pag-iingat na ng Scene of the Crime Office (SOCO).

Anang opisyal, hindi puwedeng hawakan ng QCPD ang mga  ebidensiya sa crime scene dahil walang naganap na buy-bust operation na nagresulta sa patayan at sa halip ay natagpuan  na lamang ang ebidensya sa magsyota kaya, ang SOCO ang siyang mangangalaga sa mga ebidensiya.

Binanggit din ng opisyal na mga ‘sachet’ o ‘tea bag’ size lamang at hindi bulto-bulto ang nakita sa kuwarto ng namatay na magsyotang sina Aisa Cortez ng Pangasinan at Ryan Guibon ng General Santos City tulad ng napaulat sa pahayagang ito na walo hanggang labindalawang kilong shabu ang natagpuan sa kwartong iyon ng Taxi Apartelle.

Ngunit batay sa nakuhang larawan ng HATAW, hindi sachet o tea bag kundi one kilo green aluminium foil pouch ng Chinese brand  tea ang kinalalagyan ng shabu.

Sinabi ni Marcelo na inaalam pa umano ng SOCO kung ano ba ang nilalaman ng nasabing green aluminium foil pouch na natagpuan sa crime scene ng SOCO.

Nilinaw ni Marcelo na ang tanging inimbestigahan nila ay iyong reported homicide case para malaman kung may foul play sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring binaril at pinatay muna ni Guibon si Cortez bago ito nagbaril sa sarili. Samantala, sinabi ni Chief Insp. Roberto Razon, hepe ng QCPD Anti-Illegal Drug Office, na wala siyang natanggap na ulat hinggil sa insidente kasabay ng pagsabi na SOCO na ang may hawak ng kaso maging ng mga ebidensiya.

ni Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …