Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA binatikos ng opisyal ng FIBA Asia

ISANG opisyal ng FIBA Asia ang nagpasaring sa Philippine Basketball Association tungkol sa hindi pag-aksyon tungkol sa paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto ng taong ito.

Ayon kay Magesh Mageshwaran na nagsisilibing Head of Communications ng FIBA Asia, dapat ay kanselahin na lang ng PBA ang Governors’ Cup para may sapat na panahon ang tropa ni coach Chot Reyes na maghanda para sa World Cup.

Sa ngayon ay nakatali ang kamay ni Reyes dahil kung matutuloy ang PBA third conference, maiksi lang ang paghahanda ng Gilas dulot ng kulang sa mga tune-up na laro kumpara sa ibang mga bansa na naghahanda na nang matagal tulad ng Iran .

“The third and final conference of the PBA, the Governor’s Cup, can be – and in my opinion should be – put off in support of the national team,” pahayag ni G. Magesh. “No league can survive or retain its credibility by denying the national team the time and space to prepare for an event as big as the World Cup. And any fan – including all those who steadfastly follow the PBA proceedings – would want their favorite players to don the national colors, given a choice.”

Makikipagpulong  ang PBA board of governors kay Reyes sa Enero 30 para ayusin ang problema tungkol sa national team.

Samantala, iginiit ni PBA commissioner Chito Salud ang pagtatag ng national pool na kinabibilangan ng mga manlalaro ng liga para sa mga susunod na national teams.

May panukala sa PBA board na payagan ang liga na huwag paglaruin  ang mga bata ni Reyes sa Governor’s Cup para maging mahaba ang paghahanda ng Gilas.

Bukod kasi sa FIBA World Cup, sasabak din ang Gilas sa Asian Games sa Incheon, Korea, sa Oktubre.

“We understand the plan is for Gilas to stay together in Spain and play games with other teams as a warm-up for the Asian Games,” ani Salud. “If that’s the case, it will be a long time away from home and family for the players. I don’t know if there will be time for the players to go home from Spain before proceeding to Incheon.”

Ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …