Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsanoc assistant coach ng Ateneo

ISINAMA na ni Ateneo coach Bo Perasol si Ronnie Magsanoc bilang bagong assistant coach ng mga Agila para sa UAAP men’s basketball Season 77.

Makakasama ni Magsanoc ang dating coach ng UP Maroons na si Ricky Dandan na sinibak ng huli at pinalitan ni Rey Madrid.

“I am still trying to observe how I can fit in,” wika ni Magsanoc na dating head coach ng San Beda sa NCAA. “I have to immerse myself in coach Bo’s program. I’ve only been here for two days and I have to study and learn the philosophies of coach Bo.”

Isang taon lang ang tinagal ni Magsanoc sa San Beda noong 2012 at ginabayan niya ang Red Lions sa titulo ng NCAA bago siya umalis at si Boyet Fernandez ang pumalit sa kanya.

Bukod sa pagkuha kina Magsanoc at Dandan bilang assistant coach, agresibo ang Ateneo sa pagkuha ng mga bagong manlalaro para sa taong ito pagkatapos na hindi umabot ang mga Agila sa Final Four ng UAAP noong Season 76.

Ilan sa mga posibleng bagong recruit ng Ateneo ay sina Arvin Tolentino ng San Beda Red Cubs at Hubert Cani ng National University Bullpups.

Si Magsanoc ay assistant coach din kay Ryan Gregorio sa Meralco sa PBA.            (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …