Monday , December 23 2024

Kelot, bebot itinumba sa Maynila

TODAS ang isang lalaki nang pagbabarilin sa harap ng gusaling umano’y pag-aari ni Manila Councilor Ernesto Isip, sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat kahapon.

Kinalala ang biktima alyas  “Anoy,”  nasa edad  40, may taas na 5’4″, katamtaman ang pangangatawan at miyembro ng Commando Gang.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor A. Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5:42 ng umaga naganap ang pamamaril  sa A.H. Lacson malapit sa kanto ng Aragon St., sa Sta. Cruz.

Sa ulat ng pulisya, isang tama ng bala ng baril sa kanang dibdib at sa ilalim ng kilikili, ang ikinamatay ng biktima.

Patuloy na inaaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Samantala, sa isang hiwalay na pangyayari,  patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Laura,  nasa edad 25, walang permanenteng tirahan.

Sa imbestigasyon ng pulisya,  dalawang tama ng bala mula sa kalibre .45 baril ang tumama sa kaliwang pisngi malapit sa ilalim ng mata  at  ilalim ng kanang dibdib ang sanhi ng  kamatayan ng biktima.

Hinala ng pulisya, maaaring napagkalamang police asset sa lugar ang biktima kaya itinumba.

Gayonman, patuloy ang  imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente.

(leonard basilio/

JASON BUAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *