Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James lupaypay kay Anthony

MULING bumanat si Carmelo Anthony upang buhatin ang New York Knicks sa 102-92 panalo kontra two-time defending champions Miami Heat kahapon sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Kumana ng 29 puntos, walong rebounds at limang assists si 2003 first round third pick Anthony para itarak ang three-game winning streak at ipinta ang 13-22 win-loss slate.

Si Raymond Felton na bumira ng 13 points at 14 assists ang nanguna sa 16-2 run ng Knicks para talunin ang Heat.

Nakakaapat na panalo sa limang laro ang New York laban sa Miami sa huling dalawang seasons.

Nagsumite rin si Amare Stoudemire ng 14 puntos  at 11 boards para sa New York upang punan ang pagliban nina center Tyson Chandler at J. R. Smith.

Hindi naman sumapat ang 32 points, six assists at five boards ni four-time NBA MVP LeBron James dahil nalasap ng Heat ang pang siyam na kabiguan sa 36 na laro.

Tumapos naman si Dwyane Wade ng 23 puntos at apat na rebounds habang 12 puntos ang binakas ni Norris Cole para sa Heat.

Samantala, babalik ang Heat sa New York sa Pebrero 1 para sa kanilang ikalawang paghaharap sa season na ito. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …