Monday , December 23 2024

2K deboto injured, 30 trucks ng basura sa 19-oras translacion ng Nazareno

IPINAGMALAKI ng mga organizer sa pangunguna ni Quiapo Church rector Monsignor Jose Clemente Ignacio, ang matagumpay na paglipat ng imahen ng Itim na Nazareno sa isinagawang prusisyon kamakalawa mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church na tumagal ng nasa 19 oras.

Nabatid na nagsimula ang prusisyon dakong 7:30 a.m. kamakalawa at 2 a.m. kahapon nang naipasok nang tuluyan sa loob ng simbahan ang Poon na sinamahan ng milyon-milyong mga deboto.

Ito ay batay sa pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Manila Police District (MPD).

Samantala, nasa 30 trucks ng mga basura naman ang nahakot ng MMDA hanggang matapos ang aktibidad.

Nabatid na bahagyang nagkaroon ng ilang aberya ang Andas dahil sa ilang mga deboto na nais ibalik sa tradisyonal na ruta ang daraanan ng prusisyon.

Umakyat sa halos 2,000 deboto ng Itim na Nazareno ang nabigyan ng medical attention ng Philippine Red Cross at ng Department of Health (DoH) na sumama sa 19- oras traslacion ng Poon kahapon.

Sa ulat ng DoH, kabuuang 1,686 deboto ang dumanas ng minor injuries, nahilo, tumaas ang blood pressure, at inatake ng high blood.

Habang nasa 12 pasyente ang isinugod sa mga ospital.

Sa hiwalay na ulat ng Red Cross, nasa 832 indibidwal ang nawalan ng malay, suspected fractures, sumakit ang ulo at tumaas ang blood pressure.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *