Monday , December 23 2024

Apo ni Willie Nep kritikal sa ratrat

011014_FRONT
KRITIKAL ang apo ng komedyanteng si Willie Nepomuceno habang sugatan naman ang kasama matapos pagbabarilin ng kalalakihan na nakasakay sa kotse sa Marikina City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Marikina City Police chief, Senior Supt. Reynaldo Jagmis ang biktimang si Gabriel Nepomuceno, 16, kasalukuyan ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC).

Sugatan din ang kaibigan niyang si Frank Raven Diocson, 17, anyos, tinamaan ng bala sa hita at pinauwi na matapos malapatan ng lunas.

Sa ulat, naganap ang pamamaril dakong 2:50 a.m. sa Bayan Bayanan St., Brgy. Marikina Heights, Marikina City.

Nabatid na galing sa computer house ang magkaibigan at papauwi na nang dumaan ang isang sasakyan at pinagbabaril ang dalawang biktima.

Ayon kay Sr. Supt Jagmis, bago naganap ang pamamaril ay nagkaroon ng komosyon sa nasabing computer house habang papunta ang magkaibigan kung kaya’t posibleng napagkamalan lamang sila.

Nabatid sa hepe ng pulisya na ilang saksi ang nakakuha ng plate number ng sasakyan at nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

nina MIKKO BAYLON/ED MORENO

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *