Monday , December 23 2024

Viva Señor Jesus Nazareno

00 Bulabugin JSY
NGAYONG araw ay masasaksihan natin ang tila umaalong dagat ng pananampalataya ng mga debotong Pinoy.

Huhugos sa kalye (Quiapo) ang higit sa isang milyong deboto, para makahalik, makahawak, pumasan at sumama sa prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno.

Sa totoo lang, isa ito sa mga hindi matatawarang tradisyon at paniniwala nating mga Pinoy.

Deka-dekada na ang lumipas, pero bawat taon ay hindi nababawasan sa halip ay lalo pang dumarami at nadaragdagan ang bilang ng mga deboto na sa iba’t ibang sitwasyon at anyo ng buhay ay nakaranas ng HIMALA mula sa Poong Nazareno.

Sabi nga, ang paniniwala at pananampalataya ay nagpapalaya sa isang tao o sa lipon ng mga tao, ito ay positibong pag-unlad.

Pero kung ang isang paniniwala o panampalataya ay nagbabaon sa isang tao o mga lipon ng tao para maging atrasado, tingin natin ay kailangang may alpasan.

Pero sa kaso ng mga Pinoy, taon-taon ay nakikita natin kung paano nagkakaisa ang mga deboto para gunitain at parangalan ang Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno.

Marami ang sumasama sa kanyang prusisyon dahil bawat isa sa kanila ay nakaranas o nakaramdam ng mga pagbabagong nagdulot ng “positive impact” sa kanilang buhay.

At ‘yan po ang gusto nating bigyang-diin, kung ang pagsamba at paniniwala sa Mahal na Poong Nazareno ay nakatutulong sa bawat indibidwal para maging isang mabuti, mapagmahal sa kapwa at sa bayan, naging mapagtaguyod sa kanyang pamilya ‘e bakit natin pipigilan?!

Sabi nga respetohan lang ng paniniwala at tradisyon.

Kaya sa atin pong lahat, pagtibayin natin ang ating pagiging makabayan, makatao, at maka-Diyos habang pinagtitibay pa natin ang debosyon sa Mahal na Poong Nazareno.

VIVA Señor Jesus Nazareno!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *