Sunday , December 22 2024

Van sumalpok sa nakaparadang truck, 3 patay

TATLO katao ang patay matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van sa nakaparadang truck sa North Luzon Expressway sa Malolos, Bulacan, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Cynthia Medina, 49; Consuelo Repuyo, empleyado ng LGTM Corporation sa Pangasinan; at isang alyas Albert ng Tarlac.

Nakaligtas naman si Imelda dela Cruz, 43-anyos.

Ayon kay Malolos Police Head, Supt. Dave Poklay, dakong 7 a.m. nang maganap ang insidente sa southbound ng NLEX sa bahagi ng Brgy. Ligas sa Malolos.

Nabatid na patungong Maynila ang van nang mawalan ng kontrol ang driver nito dahilan upang sumalpok sa nakaparadang truck.

(DANG GARCIA)

2 BUS NAGSALPUKAN 15 SUGATAN

KORONADAL CITY – Umakyat na sa 15 ang mga biktimang nasugatan sa salpukan ng dalawang bus ng Yellow Bus Line Inc. sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang kinompirma ni Boy Par, operation manager ng nasabing bus line, matapos nagkabanggaan ang dalawang unit nito sa kahabaan ng Brgy. Paraiso ng lungsod pasado 5 a.m. kahapon.

Ayon kay Par, umilag sa sinusundan na tricycle ang isang bus ngunit kumabig sa kabilang linya at eksaktong may paparating na isa pang bus na naging dahilan ng pagbanggaan ang dalawang sasakyan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *