KINOMPIRMA ng militar na nakatanggap sila ng impormasyon na pumanaw na si Habier Malik, ang ground commander ng Moro National Liberation Front na umatake sa Zamboanga City noong Setyembre.
Ayon kay Colonel Jose Johriel Cenabre, Commander ng 2nd Marine Brigade na nakabase sa Sulu, batay sa kanilang impormasyon, namatay si Malik dahil sa komplikasyon ng sakit na diabetes.
”He was badly wounded…he was trying to fast. He did not get proper treatment,” saad ni Cenabre.
Gayunman, patuloy pa aniya nilang bine-verify ang impormasyon.
Si Malik ang most trusted commander ni MNLF leader Nur Misuari.
Huling namataang buhay si Malik sa Kalingalan Caluang sa Sulu.
Una nang sinabi ni MNLF spokesman Absalom Cerveza na pumanaw na si Malik, may tatlong linggo na ang nakalilipas dahil hindi gumaling ang mga sugat sa pakikipagbakbakan bunsod na rin ng diabetes.
(DANG GARCIA)