Friday , November 15 2024

Just Call Me Lucky (Part 12)

GUSTO KO SI JUSTIN DAHIL MABAIT SIYA PERO NITONG HULING UWI KO SA NAIC ‘DI NA NIYA AKO PANSIN

Payag na payag siyang utus-utusan ko. Noon ngang magkatubig-baha ng lampas-bukungbukong sa kalyehong papasok sa aming lugar ay pinasan niya    ako sa likod. Ayaw raw niyang mabasa ang sapatos ko sa pagpasok sa eskwela.

Sabi sa akin ni erpat, maraming pwedeng mabili ang pera. Pero ayokong isipin na nakuha ko ang katapatan ng pakikipagkaibigan sa akin ni Justin sa ibang anyo ng panunuhol. Ang kabaitan ko sa kanya ay bukal na  pakikisimpatiya kundi man pagkaawa ng isang inosenteng batang tulad ko sa kapwa bata. Malaki kasi ang pagkakaiba sa  buhay ng isa’t isa sa amin ni Justin. Kahit maliit din lang ang bahay namin ay maayos naman at  kumpleto sa mga kagamitang pambahay. Samantalang sa kanila, ang lata ng biskwit na palabigasan nila ay parating walang laman. Uunahin pa bang bilhin ng ermat niya ang toothpaste o sabon na pampaligo? O pagupitan kaya siya ng buhok?  At tiyak na lalong hindi siya pamamanikyuran at papepedikyuran. Hindi ko pala dapat sinisi noon ang titser namin. Nagkamali pala ako. Maling-mali…

Paekstra-ekstra lang ang erpat ni Justin sa pamamasada ng traysikel. Pero sa tagayan ay lagi itong bida. Hindi nauubusan ng ikukwento. Mahusay magpatawa. At nakabibilib ang pambihirang lakas sa paglaklak ng alak. Ngongo na sa kalasingan ang mga kainuman ay sinasaid pa rin nito ang kahuli-hulihang patak ng tagay.

Buhat nang magkolehiyo ako ay bihirang-bihira nang  makatuntong ng Naic ang mga paa ko. Ina-apdeyt naman akong lagi ni ermat sa mga bali-balitang nangyayari sa aming lugar sa pagte-text o pagtawag sa akin sa cellphone. Nag-asawa na raw ang dating muse namin noong high school dahil  ‘di na maitago ang paglobo ng tiyan. Naging drug addict daw at na-rehab ang kababata kong macho dancer sa  popular na gay bay sa Parañaque. Pati ang pagdami ng pusa sa aming bahay sa panganganak ng alaga niyang pusa ay naibalita rin sa akin.  Pero sa lahat ng “flash report” ni ermat ay du’n ako nagkainteres sa mga bagay-bagay na may kaugnayan kay Justin. Lumaking sanggano at basagulero raw ang kababata ko. Maya’t maya raw ay nababarangay o nabibitbit sa presinto ng pulisya dahil sa pakikipag-away. At sabi’y naging sugapa siya sa pagkagumon sa alak.

Kapag umuwi ako sa aming bayan at tiyempong may okasyon (lamayan sa patay, kasalan o bertdeyan)  ay du’n lang kami nagkakatagpo ni Justin. Kaylaki nang ipinagbago niya. Hindi na siya ang dating Justin na malapit sa akin. Ewan kung bakit naging malayo ang loob niya sa akin sa aming pagbibinata. Parang ayaw na  akong makatropa. Ipinalagay kong  nangingibabaw sa kanya ang inferiority complex. Siguro’y dahil na rin sa hindi siya nakapag-aral at walang maipagmalaki sa sarili.

Naipamana sa kanya ng namayapang mga magulang ang kahirapan. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *