ILOILO CITY – Hindi natuloy ang pag-embalsamo sa isang bangkay sa isang punerarya sa Sta. Barbara, Iloilo, matapos matuklasang buhay pa siya.
Si Rodolfo Caasig, Jr., 27, ng Bago City, Negros Occidental, ay dinala ng kanyang pamilya sa punerarya para ipa-embalsamo ngunit nang inusisa, malakas pa ang tibok ng kanyang puso.
Ayon sa kanyang kapatid na si Clarissa Jay Caasig, sinabi ng doktor na hindi na mabubuhay pa ang kanyang kapatid at aparato na lamang ang sumusuporta sa biktima.
Aniya, sinabi ng doktor na kapag tinanggalan ng respirator ang kanilang kapatid, mamamatay na si Rodolfo.
Dahil wala nang panggastos, nagdesisyon na lamang silang tanggalan ang biktima ng aparato, inilabas ng ospital sakay ng taxi at dinala sa punerarya sa pag-aakalang patay na.
Ngunit pagdating sa punerarya, humihinga pa ang biktima kaya’t ibinalik na lamang sa ospital.
Ang biktima na tubong Bago City, Negros Occidental, ay na-comatose matapos maaksidente noong Disyembre.
(HNT)