Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chot haharap sa PBA board (Problema sa Gilas tatalakayin)

PARA ayusin na ang problema tungkol sa paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup na gagawin sa Espanya sa Agosto ng taong ito, imbitado ng PBA board of governors ang head coach ng national team na si Chot Reyes sa pulong nito sa Enero 30.

Sinabi ng tserman ng lupon na si Ramon Segismundo ng Meralco na naintindihan ng liga ang sitwasyon ni Reyes na nagsabing hindi sapat ang isang buwan para maghanda ang Gilas sa World Cup.

Bukod sa FIBA World Cup, lalaro rin ang Gilas sa Asian Games sa Incheon, Korea mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

“What’s clear is we have to make sure we have the best players in Barcelona (Spain) and Incheon and we want to maximize the preparation time,” ani Segismundo. “I think there is a commitment to help the core and we operate on the basis of the pool. Now, it’s the prerogative of the coach to tinker with the (Gilas) lineup. I think the team in (the FIBA-Asia men’s championships) Manila was an excellent team.”

Samantala, sinabi ng Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Renauld “Sonny” Barrios na kailangan ng Gilas ng dalawang buwan para maghanda sa World Cup lalo na ito ang unang pagkakataon na lalaro ang Pilipinas sa torneo pagkatapos ng halos tatlong dekada.

“MVP (pangulo ng SBP na si Manny V. Pangilinan) does not want Gilas to be tourists in Spain,” ayon kay Barrios sa forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon sa Shakey’s Malate. “Our target is to win two games and move to the second round. It’s doable depending on the group that we get drawn. Naintindihan ko ang PBA na hindi madali para sa kanila na baguhin ang schedule nito for the training of Gilas pero it’s not everyday that we get the chance to play in a prestigious tournament like the FIBA World Cup.”

Idinagdag ni Barrios na si Reyes mismo ang ipapadala ng SBP sa Espanya para maging kinatawan ng Pilipinas sa bunutan sa World Cup, kasama ang team manager ng Gilas na si Aboy Castro.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …