BINATIKOS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang aniya’y “dilatory tactic” ng US
government para makaiwas sa pagbabayad ng kompensasyon sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef matapos ang pagsadsad ng USS Guardian noong nakaraang taon.
Iginiit ng mambabatas na “irrelevant” ang depensa ng Washington na kaya naantala ang compensation payment ay dahil wala pa itong natatanggap na “formal request” mula sa Filipinas.
“Their contention that payment has not been fully delivered because the Philippines has yet to make a formal request is dilatory,” ani Santiago.
Una nang lumabas sa ulat, nakahanda ang Amerika na bayaran ang kaukulang kompensasyon sa danyos na idinulot ng aksidenteng kinasangkutan ng US Navy minesweeper, ngunit wala pa anilang request para rito ang Filipinas.
Una nang inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pursigido ang gobyerno na singilin ang Amerika sa pananagutan nito.