Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinalpok ng motor bus nagliyab (2 patay, 1 kritikal)

DALAWA ang patay habang isa ang kritikal ang kalagayan matapos salpukin ng motorsiklo ang isang pampasaherong bus na agad namang nagliyab sa Brgy. Anonas, lungsod ng Urdaneta kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga namatay na si Joseph Iban, seaman, at residente ng Bgy. Ballige, Laoac, Pangasinan, driver ng motorsiklo, at ang angkas niyang si Julius Pulido, 23.

Kritikal naman sa pagamutan ang isa pang angkas ng motorsiklo na si John Lyndon Ordonez, 18.

Ayon kay Insp. Benny Centino ng Urdaneta City PNP, ang Partas bus na may 49 pasahero ay galing sa Candon, Ilocos Sur at patungo sana sa Pasay City.

Sinasabing lasing ang driver ng motorsiklo dahil pagiwang-giwang ang pagtakbo ng kanilang sasakyan na nagresulta sa pagbangga nila sa kasalubong na bus na minamaneho ni Juanito Zalasar, 35, residente ng Bangar, La Union.

Pagkaraan, sumabog ang makina ng motor na naging dahilan ng pagliyab ng bus ngunit mabilis na nakababa ang mga pasahero.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus.

(DANG GARCIA/BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …