Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4-M iPhone, cash ‘hinoldap’ sa negosyante ng BoC agent

010714_FRONT

NATANGAY ang mahigit P4 milyong halaga ng cellular phones at cash, sa mag-asawang negosyante, ng grupong nagpakilalang ahente ng Bureau of Customs, noong nakaraang linggo, sa Pasay City.

Sa reklamo ng mag-asawang Lovely Choi, 33, at Evan Choi, ng 2 Barangay Capitol Hills, Quezon City, kamakalawa lamang natapos ang imbestigasyon ng Pasay police, natangayan sila ng 80-pirasong bagong iPhone 5s, P300,000 cash at dalawang ATM cards ng mga suspek.

Ani Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, nakipagtransaksiyon sa mag-asawa ang isang Leah Larayna, na  bibili ng bagong cellular phone at itinakda ang  pagkikita sa lobby ng SM Sea Residences Condominium sa Macapagal Blvd., dakong 6:00 ng gabi.

Nang makarating sa lugar ang mag-asawa, nakausap nila sa cellphone si Larayna at sinabing ang mister niya ang magtutungo sa lugar dahil nasa bangko pa siya at nagwi-withdraw ng pera.

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang lalaki na nagpakilalang mister ni Larayna at nagtanong sa mag-asawa kung dala nila ang bibilhing cellular phone para mabayaran na niya ng cash.

Nang masiguro na hawak ng mag-asawa ang mga bagong iPhone 5s, bumalik sa kotse ang lalaki para kunin umano ang pambayad, pero nang magbalik ay may kasamang tatlo pang kalalakihan na nagpakilalang ahente ng BoC at kinompiska ang tatlong bag ng mag-asawa na naglalaman ng cellular phones, cash at ATM cards.

Nang makuha ang kailangan, kinaladkad ng mga suspek ang ginang papunta sa nakaparadang Nissan Altera na may conduction sticker ng KD 1493 habang nagawa namang makatakas ni Evan.

Habang nasa Coastal Road, Parañaque City, humingi pa ang mga suspek sa ginang ng kalahating milyon kapalit ng hindi nila paghahain ng kasong smuggling.

Nagmakaawa ang ginang hanggang sa ibaba siya ng mga suspek sa tapat ng Bamboo Organ sa Las Piñas City kung saan siya humingi ng tulong sa pulis Las Piñas.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …