NAGA CITY – Boluntar-yong sumuko sa mga awtoridad ang dalawang lalaki nang makonsensya sa pagpaslang at paglilibing sa kainoman noong nakaraang taon sa Jose Pa-nganiban, Camarines Norte.
Sa ulat na ipinadala ng Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na sumuko sa mga opisyal ng barangay si Fernando Bermejo, 50, at inamin na siya ang nakapatay kay Daniel Encinas, 52.
Ayon sa suspek, nag-iinoman sila noong Dis-yembre sa kanilang bahay kasama si Encinas at ang kanilang kaibigang si Bayani Orteza, 63, nang magkainitan silang dalawa ng biktima. Na-saksak niya ang biktima hanggang mamatay.
Sa takot ay napagdesisyonan niyang ilibing na lamang ang biktima kung kaya tinulungan naman siya ni Orteza.
Ngunit dahil hindi mapalagay sa nagawang krimen ay tuluyan siyang umamin at itinuro sa mga pulis ang pinaglibingan sa biktima.
Nitong Enero 3, tuluyan nang naibalik sa pamilya ang bangkay ng biktima at naipalibing na rin nang maayos.
Si Bermejo naman ay nananatili na ngayon sa kulungan habang boluntaryo rin sumuko sa mga pulis si Orteza.
(BETh JULIAN)