HANDANG magbitiw si Public Works Sec. Rogelio Singson sa kanyang pwesto kung may naganap na overpricing sa ipinatayong bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Una nang napaulat na overpriced ang 200 bunkhouses na itinatayo sa mga lalawigan ng Leyte at Eastern Samar.
Sinabi ni Singson na hindi overpricing ang nangyari kundi nagkaroon ng mga substandard na materyales sa mga estruktura.
Ayon kay Singson, maaaring hindi sinunod ng mga contractor ang specifications ng mga materyales gaya ng GI sheets.
Ayon kay Singson, magsasagawa siya ng inspeksyon sa bunkhouses at handa siyang magbitiw sa pwesto kung may overpricing sa bunkhouses o temporary shelter.
Tiniyak naman ni Singson na wala pang nailalabas na pera ng gobyerno at wala pang kontratistang nabayaran.
HATAW News Team