Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batangas vice gov ipinatawag ng DoJ

IPINALABAS na rin ng Department of Justice  (DoJ) ang subpoena para kay Batangas Vice Governor Mark Leviste kaugnay ng nasamsam na 84 kilo ng illegal na droga sa isang rancho sa Batangas na pag-aari ng pamilya Leviste.

Sa isang pahinang subpoena na pirmado nina Assistant State Prosecutors Juan Pedro Navera at Irwin Maraya, kasama rin sa pinahaharap sa gagawing preliminary investigation sina Conrad Leviste, ama ni Vice Gov. Mark at kakambal ni dating Batangas Governor Antonio Leviste; Benny Orense, administrator ng LPL Ranch Estate at ang Corporate Secretary ng LBJ Development Corporation.

Sa isang hiwalay na subpoena, ipinatatawag din ng DoJ si Jorge Gomez Torres alyas Jorge, ang umupa sa bahagi ng LPL Ranch kung saan nasamsam ang illegal na droga noong Pasko.

Si Torres na hinihinalang utak ng sindikato ng illegal na droga ay pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.

Una na rin pinasisipot ng DoJ si Dating Governor Leviste sa nabanggit na pagdinig sa araw ng Huwebes, ikasiyam ng Enero.

Kontrobersyal ang pagkakadawit ng pangalan ni Leviste sa nasabing rancho dahil ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, sakaling mapatunayan na pag-aari nga niya ang rancho at alam niya ang operasyon ng illegal na droga roon, maaari itong gawing batayan para bawiin ang parole na iginawad sa kanya.                (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …