Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

63-anyos nanay tinarakan ng adik na anak

ISANG 63-anyos ina ang ang pinagsasaksak ng adik na anak sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Patuloy na nagpapagaling sa San Lorenzo Women’s Hospital (SLWH) ang biktimang si Nelia Medina, 63, ng Angela St., Brgy. Maysilo, sanhi ng mga saksak sa braso at mukha.

Agad naaresto ang adik na anak na kinilalang si Dennis Medina, 28-anyos, nakatakdang sampahan ng kasong frustrated parricide habang nakapiit sa detention cell ng Malabon Police.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:35 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga Medina.

Dumating umano ang suspek na lango sa droga  at sa pagpasok pa lamang ay pinagsabihan ng kanyang ina na kapag hindi tinigilan ang masamang bisyo ay mapipilitan na silang ipakulong ang anak, dahilan upang magwala si Dennis.

Sa ulat, parang halimaw na kumuha ng gun-ting ang suspek at limang beses na pinagsasaksak ang sariling ina mabuti na lamang at naawat ng ilang kaanak.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …