Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NFA nagbabala vs artificial rice shortage

010614_FRONT
TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas sa buong bansa at walang dahilan para gumalaw pataas ang kasalukuyang presyo nito na maaaring magdulot ng kalitohan sa publiko.

Ang pagtitiyak ay ginawa ng pamunuan ng ahensiya matapos silang makatanggap ng ulat na ilang indibidwal at grupo ang nagbabalak na naman magpakalat ng maling impormasyon at lumikha ng scenario ng artificial rice shortage.

Layunin umano ng grupo na takutin ang mga tao upang sa gayon ay mailayo ang atensyon ng publiko hinggil sa nabunyag na gawain ng ilang indibidwal na may kaugnayan sa talamak na rice smuggling sa bansa.

Sinabi ni NFA spokesman Rex Estoperez na kabilang din sa plano ng grupo na magpakalat ng mga nabubulok na bigas at ilagay sa sakong may label ng ahensiya.

Sa ganitong kaparaanan aniya ay parang tumirador sila ng dalawang ibon gamit ang iisang bato, dahil mailalabas na nila ang matagal na nilang naka-stock na mga bigas at mailalagay pa nila sa masamang sitwasyon ang NFA.

“Tinitiyak namin sa publiko na tanging ang kapakanan nila ang nasa isip namin kaya kailanman ay hindi kami maglalabas ng mga bigas na alam namin makasasama sa kanilang kalusugan” wika niya.

“Unang-una ay walang dahilan para gawin namin ito dahil ang mga bigas po natin ay pawang mga bagong giling mula sa ani ng palay noong 2012 at 2013. At bukod pa roon ay pinatibay pa ang buffer stock ng mga bigas na inangkat sa ibang bansa sa ilalim ng government to government agreement,” dagdag niya.   Aniya, nito lamang nakaraang Disyembre ay dumating sa bansa ang inisyal na  450,000 sako ng bigas o katumbas ng  22,500 metriko tonelada (MT) mula sa Vietnam.

Ito ay bahagi ng 500,000 MT na binili ng bansa sa Vietnam sa ilalim ng government-to-government agreement para tiyakin na rin ang sapat na supply ng bigas sa kabila ng paghagupit ng ilang kalamidad noong huling bahagi ng nakaraang taon.

Ang natitirang huling bahagi ng transaksyon na aabot sa 380,000 MT ay inaasahang darating sa unang bahagi ng taon.

Idiniin ni Estoperez na lahat ng stock ng ahensiya ay nasa pinakamataas na kalidad dahil regular na imino-monitor at kailangan pumasa sa itinakda nilang pamantayan o standards.

Kung mapatutunayan aniya na mababa ang kalidad ng bigas sa isang warehouse ay agad nilang ginagawang accountable ang mga warehouse manager at tinitiyak na hindi makalalabas ang kanilang stocks.

Sinabi rin ni Estoperez na walang dahilan para maniwala ang mga tao sa planong panglilito ng ilang grupo, na walang ibang intensyon kundi sirain ang imahe at mabuting trabaho na ginagawa ng kasalukuyang pamunuan ng ahensiya.

Tiniyak din niya na hahabulin nila at pananagutin sa batas ang sinumang indibidwal at grupo na mapapatunayang magsasagawa ng pananabotahe laban sa ahensiya.

Matatandaan na gumawa ng ingay ang mga rice smuggler noong nakaraang taon sa pagitan ng mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre nang palabasin nilang may kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa na naging dahilan para tumaas ang presyo nito sa merkado.

Dahil sa nangyari ay nakombinsi ng rice smugglers ang mga militanteng grupo at napaniwala na totoong may shortage, na siya namang naging dahilan para batikusin nila ang pamahalaan dahil sa mataas na presyo ng bigas.

Sa huli ay napatunayan din na gawa-gawa lang ang artificial shortage at ginamit lang scare tactic para isabotahe ang operasyon ng NFA.

Isang malalimang imbestigasyon din ang isinagawa ng mga awtoridad na hanggang ngayon ay nagpapatuloy.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …