Monday , November 25 2024

Total ban sa paputok panahon na

SUPORTADO ng Malacañang ang panukala ng Department of Health (DoH) para sa total ban ng firecrackers.

Unang sinabi ni Health Sec. Enrique Ona, dapat sa inilaang lugar lamang isasagawa ang fireworks display kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga naputukan nitong New Year’s Eve.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kinakatigan ng Palasyo ang posisyon ng DoH secretary para magkaroon ng ligtas na alternatibo sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Coloma, hihintayin nila ang kabuuang detalye ng panukala ni Ona at saka ihaharap sa Kongreso.

Sa kasalukuyang batas, hindi maaaring ipagbawal ng lokal maging ng national government ang pagpapaputok dahil kailangan itong maamyendahan.

“The Palace is standing firm behind the proposal of Health Secretary Ona,” ani Coloma. ”It is time to have a safe alternative to the dangerous firecrackers that are used to celebrate New Year,” dagdag ng opisyal.

(ROSE NOVENARIO)

FIREWORKS RELATED-INJURIES 804 NA— DOH

LALO pang tumaas ang bilang ng fireworks-related injuries sa pangalawang araw ng Bagong Taon 2014.

Batay sa ulat ng Department of Health (DoH), umabot na sa 804 ang bilang ng mga sugatan, 793 dito ang biktima ng paputok, dalawa ang nakalunok ng pulbura, habang siyam ang tinamaan ng ligaw na bala.

Sa mga biktima ng paputok, 306 ay dahil sa piccolo o katumbas ng 39 porsyento mula sa kabuuang nasugatan ng firecrackers.

Taliwas sa ulat ng DoH kamakalawa, mas mababa na ang bilang ng mga biktima ng paputok hanggang kahapon kung ikokompara sa nakalipas na taon na umabot sa 894, dalawa ang nakalunok ng pulbura habang 25 ang biktima ng ligaw na bala.

Ayon sa kay DoH spokesman Dr. Eric Tayag, nasa 10 porsyento na mas mababa ang kasalukuyang bilang kompara noong pagsalubong sa taon 2013.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *