Monday , December 23 2024

Taon ng kabayo papasok ang suwerte

Maganda ang naging salubong ng 2014 sa ating mga klasmeyts, dahil bago pumasok ang taon ay nakatama ang nakararami sa huling pakarera ng nakaraang taon.

Kaya ngayong taon ng kabayo ay papasok ang suwerte sa ating mga karerista. Pero siyempre ay nariyan pa rin ang ating pormula na lamangan ang pagtuon sa pangalan ng mga koneksiyon kaysa sa kabayong tatayaan, kasunod niyan ang talas ng pakiramdam sa galaw ng mga resulta, at ang higit sa lahat ay ang paghinay-hinay lang sa pananaya na tipong naglilibang lang. Okidoks.

Base sa napanood na karera nakaraang Martes sa SLLP ay narito ang aming mga nasilip na maganda ang ikinilos at maaaring isama sa inyong mga listahan.

Iyan ay sina Classy And Swift, Kitten’s Champ, Tisay, Xiomara’s Pet, Dy San Diego, Proud To Reason, Mr. Gee, Shoemaker, Headline Chaser, Markees World, My Jopeng, Kasilawan, April Style, Flying Gee, Elegant April at Siamo Famiglia.

Ang schedule bukas araw ng Sabado at sa Linggo ay parehong sa pista ng Sta. Ana Park, dahil sinimulan na kagabi ang dalawahang sunod na araw sa bawat karerahan. Goodluck at happy racing sa paglilibang ngayong gabi sa SLLP.

Bukod sa naibalita ng ating bubwit hinggil sa paglisan sa karerahan nung tatlong hinete dahil sa isang blowout out  kahit na may mga nakatakda pa sanang mga sakyan nung araw ng Linggo sa Metro Turf, na-extend pa na nagpapalit yung dalawa hanggang nung isang araw na pakarera sa SLLP.

Kontrobersiyal at naging usapin din ang pagkapanalo ni Life Is Beautiful.

Marami kasing BKs ang nakapanood na sa replay kahapon sa youtube na may pamagat na “MJCI-123113-R07” sa hindi sabay-sabay na pagbukas ng gate at base sa nakita ay huling nagbukas ang pinto/gate na numero tres na kung saan ay naroon ang kalahok na si Life Is Beautiful.

Sa mga hindi nakapansin ay panoorin ninyo at pindutin ang pause sa oras na 0:23.0 at makikita na pasimula pa lang papabukas ang stall #3 kumpara sa iba na nakabukas nang lahat.

Ang naging mga katanungan nila ay kung bakit hindi na-scratch gayong hindi nakasabay na nagbukas? Dahil ba nanalo kaya hindi na-scratch? O baka naman dahil daw sa koneksiyon kaya hindi na-scratch?

Ano kaya ang magiging aksiyon sa usaping iyan kapag narebisa na ng tanggapan ng PHILRACOM?

Fred Magno

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *