Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biktima ng ligaw na bala, 28 na

UMAKYAT na sa 28 biktima ang tinamaan ng ligaw na bala, simula noong Disyembre 16.

Sa pinakahuling tala ng PNP, anim pa ang nadagdag sa listahan ng mga biktima ng stray bullet noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay PNP Spokesman, Senior Supt. Wilben mayor, dalawa sa anim na biktima ay kapwa dalawang taon gulang.

Kinilala ang mga biktimang sina Margaret Diane Vocal mula sa Pasig City, at Jared Stephan Bitacora mula Digos City, Davao Del Sur.

Tinamaan ng bala si Vocal sa noo habang si bitacora ay sa kaliwang kamay.

Ilang oras naman bago ang bagong taon ay tinamaan ng ligaw na bala sa ulo ang tatlong buwan gulang na si Von Alexander Llagas habang natutulog sa kanilang bahay sa Ilocos Sur.

Si Llagas ang nag-iisang namatay mula sa 28 biktimang tinamaan ng ligaw na bala.

(DANG GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …